Mga Epekto ng Community Quarantine sa mga Matatandang Tao ng Jubay, Liloan, Cebu
Brigitte Germaine T. Goron, Maika Marie Guido, Mickey Javier at Uzzel Sanchez GAS students
Abstract
Sinopsis / Buod
MIRACLE IN CELL NO.7
Ang pelikula ay naganap sa isang kulungan kung saan karamihan ng mga karakter ay mga bilanggo sa ika-pitong selda na siyang pinagkuhanan ng titulo ng pelikula. Si Yong-gu ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Ryu Seung-ryeong. Meron siyang sakit sa pag-iisip at walang kakayahang makapag-salita ng tuwid, ngunit isa siyang mapagmahal na ama kay Ye-sung. Si Yong-gu ay nagtratrabaho sa isang paradahan ng mga sasakyan bilang isang enforcer.Siya at si Ye-sung ay mahirap lamang, ni hindi nga nila magawang makabili ng Sailor Moon na bag na inaasam asam ni Yesung, pero kahit ganun, masaya sila. Isang malamig na araw, nagyelo ang mga daan sa bayan. At nadulas ang anak na babae ng hepe ng mga pulis sa nagyeyelong kalsada at nabagok ang ulo. Nakita ni Yong-gu ang aksidente at sinubukang tulungan ang bata. Sa kasamaang palad, namatay ang batang babae at inakusahan siya ng kasong pagpatay, at dahil sa pagkakaroon ng kapansanan hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili. Hindi naglaon nakulong si Yong-gu at sinentensyahan ng parusang kamatayan, at sa ika-pitong selda siya nailagay kung saan minamaltrato siya ng kanyang mga kasamahan dahil nalaman nila na ang kaso niya ay may kinalaman sa pagpatay sa isang bata. Ngunit sa paglipas ng panahon nalaman ng kanyang mga kasamahan na hindi nya magagawa ang ganung krimen dahil nga siya ay may kapansanan. Noong bumisita si Yesung sa bilangguan upang magtanghal bilang mang-aawit, itinakas siya ng mga kasamahan ng kanyang ama upang makapiling niyang muli ang ama. Ang mga naging kaibigan ni Yong-gu ang tumulong sa kanya sa nalalapit na huling paglilitis sa korte. At nang sumapit ang araw ng paglilitis pinuntahan ng hepe si Yong-gu at tinakot na papatayin din niya si Ye-sung kung hindi aakuin ni Yong-gu ang kasalanan. Walang nagawa si Yong-gu kundi akuin ang mga ibinibintang sa kanya. Kahit na may pagkukulang sa isip, alam nyang kayang saktan ng Hepe ang kanyang mahal na anak.
Nasayang ang lahat ng paghahansa nila dahil na sentinsyahan parin si Yong gu ng parusang kamatayan. Sa kabila nito, naging masaya parin ang pagsasama ng mag-ama. Nuong nahatulan na siya ng kamatayan naging kahabag-habag ang mga pangyayari. Ang pelikulang ito ay may pinaghalong malungkot at masayang katapusan, lumaki si Yesung at naging isang abogado na siyang nakapaglinis ng pangalan ng kanyang ama.
Bionote
BRIGITTE GERMAINE T. GORON Siya ay pinanganak noong Abril 10, 2002, pangalawa sa anim na anak nina Ginoong Julius L. Goron at Ginang Brigieda T. Goron. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng General Academic Strand (GAS) sa akademik track ng senyor hayskul sa Liloan National Highschool ext. Don Bosco Campus. Siya ay nasa ikalabing-dalawang baitang at kasalukuyang presidente sa kaniyang klase sa pinapasukang paaralan. Hilig niya ang magsulat ng mga tula. Hilig din niyang sumayaw at makilahok sa iba't ibang sports activities. Katunayan, siya ay kabilang sa Lilies of the Altar (LOA) isang Sym group ng paaralan at kabilang din Futsal Team ng paaralan. Madalas siyang sumasali sa mga aktibidad na extracurricular sa paaralan at sports tournament sa dibisyon at provincial.